Practice tests, cheating, teamwork and odds and ends
A word to the wise: I may not make sense.
Hindi ko pa alam kung pano ko pagtatagmitagmiin itong mga articles na ito, tungkol kasi sila sa pag-aaral at sa pagtatasa, mga bagay na hindi ko pa talaga napapag-tagmitagmi. baka naman kasi masyado silang magkakalayo para ipagdikitdikit, o kaya masyadong malayo sa aking mga iniisip ngayon kung kayat hindi ko pa sila napapag-limian ng maigi. Ganumpaman, susubukan ko pa rin, baka naman me makuha tayong may saysay sa kaka-blahblah ko sa blog na ito.
yung una ay tungkol sa self-testing, o sa pagtatasa ng sarili, tulad ng paggamit ng flashcards habang nag-aaral. Ang siste, hindi na inaaral ng studyante ang isang flashcard kung sa tingin nya ay nakabisa na nya ito. yung pag-aaral nila ay nagsasabi na me ilusyon ang mga studyante tungkol sa mga bagay na kanilang nakakabisa, pero sa bandang huli ay hindi naman pala, dahil nakakalimutan din nila ito muli. sa madaling salita, hwag bibitawan ang mga flashcard kahit na pakiwari nila ay kabisado na nila, bagwis ipagpatuloy ang pagbabalik-diwa (retrieval, ano ba ito?) ng mga nalalaman upang tuluyang ma-encode ito sa long-term memory. Isang epektibong apraan ay ang paggamit ng keywords:
"A more effective strategy is to develop a keyword that connects the foreign language word with the English word. 'Wingu' sounds like 'wing,' birds have wings and fly in the 'clouds.' Of course, this works only as well as the keyword you come up with. For a keyword to be any good, you have to be able to remember your keyword when you're given the foreign word later. Also, for a keyword to be good, you have to be able to remember the English word once you remember the keyword."
yung pangalawa naman ay tungkol sa pandaraya ng mga estudyante. marami raw studyante ang nandaraya, kahit na lam nilang mali iyon. ang isang factor na tinignan nila ay ang teacher talk, kung saan pagdating sa middle school, ang guro ay nagiiba na ng perspektiba sa pag-aaral. Hindi na enjoy ang pag-aaral kundi seryosong bagay na, at kailangan nang pagbutihin ang grado. Kung ang tunguhin ng pag-aaral ay para makakuha ng mataas na grado, mas madami ang mandaraya. kung naman ang tunguhin ng klase ay para makabisa (mastery) ang leksyon, mas konti ang nandaraya. tingin ko importanteng mapaabot ito sa mga guro, dahil maaring mas mababa ang stress nila sa pagtuturo kung malaman nila ang tungkol sa pag-aaral na ito.
Ang pangatlo naman ay tungkol sa mabisang (efficient) pag-aaral, at ang mga kakayanan (skills) ng mga estudyante para magampanan ito. Sabi ng pananliksik, kinakailangan ng estudyanteng aralin ay marami at iba-iba (diverse), kailangan nya ng mabisang pamamaraan ng pag-aaral. ngunit ang kaso ay may ilusyon ang estudyante tungkol sa pagtatasa sa kanyang pag-aaral, akala nya ay mabisa ito ngunit ito ay kulang pa. Ang usapin ay nababalot sa terminong metacomprehension, o pag-tatasa ng sariling pag-alam o kaalaman. sabi nga,
improving metacomprehension can, in turn, improve students’ self-regulated learning.
Ang huli ay tungkol sa teamwork (pero mas mukhang authentic assessments ang pinaguusapan don) na mas epektibo kesa lectures sa pagpa-praktis ng HOTS. di ba alam na natin yun? anyway, heto ang link.
Labels: assessment
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home